Walang FOREVER





WALANG FOREVER.
Linyang palagi kong nakikita kahit saan. Mapa Facebook, Twitter, Instagram, Youtube at lahat na ng social media na may account ako. Palagi ko pang naririnig sa ibang tao, ginawa pang print sa T-shirt, at ginawa ng pambasag sa mga magsyotang nagpapaka sweet.

Naiirita ako sa mga taong palaging nagsasabing walang forever. Siguro oo nga, katuwaan lang. Pero minsan nakakainis narin para sa mga taong naniniwala sa bagay na to. Naiinis ako dahil isa ako sa mga taong naniniwalang MAY FOREVER dahil ang Forever ay hindi pang syota lamang, pampakilig at pampa kiliti ng araw mong nagiinit, hindi lang para sabihing may BF/GF ka na ka in a relationship o ka-married mo sa Facebook. Ito din ay pang pamilya. Pangkaibigan at mga bagay na pinaniniwalaan mong makakasama mo habangbuhay. Hindi to para sa mga taong isang araw lang nagkakilala sa Facebook, niligawan lang ng ilang oras, nagka forever na agad. Nagkita lang sa isang group na "PLUG MO KO, PLUG KITA" sa Facebook, aba'y forever na sila. Dahil ito ay isang proseso, MAHABA at MAHIRAP na proseso na kakaunting tao lang ang kayang magpakahirap at magsakripisyo. Hindi to nakukuha sa isang ABRACADABRA GUSTO KO NG FOREVER URA URADA ay bubungad na ang lalaking para sayo. Huwag kang magmadali. Masyado kang malandi. Kadalasan sa mga taong nagsasabing Walang Forever ay ang mga taong iniwan, pinagpalit, niloko, pinerahan dahil load lang pala ang kailangan, sinyota dahil tinikman lang, nainlove dahil sa profile picture na bungad ang cleavage pero foam lang pala nung nagkita na sa personal. At mga taong nasa Long Distance Relationship na kesyo hindi raw nag work. Mahirap daw ang malayo sa isa't isa o sadyang wala ka lang pang kamot nung panahong nangangati ka na? Ngayon, sabihin mo..
Wala ba talagang Forever, o wala ka lang matinong partner? o sadyang ikaw ang hindi makuntento kung ano ang mayroon na sayo?
Minsan kasi kaya hindi tayo binibiyayaan ng taong makakasama natin ng pang matagalan ay dahil narin sa hindi tayo makutnento. Masaktan lang ng isang tao, takot ng magtiwala. Takot ng magsakripisyo. Takot ng magmahal. Takot ng mag risk ng isang bagay dahil baka sa huli, wala ring mangyayari. Ganoon naman lahat. Lahat ng tao hindi sigurado sa mangyayari sa huli. Pero nandoon yung tiwala. Nandoon yung paniniwalang may HAPPINESS na mangyayari, na sa bawat paghihirap na mararanasan nila, alam nilang bawing bawi yun ng pagtitiis nila. Hindi yun weather weather lang na paiba iba ang klima ng nararamdaman mo. Isang bagay yun na kailangan mong panindigan ng pangmatagalan. Kailangan mong masaktan, umiyak, tumawa, ngumiti, ngumiwi, magalit.. Kailangan mong magtiis na sa kahit gaano ka pa nahihirapan, tuloy ka parin dahil alam mong worth it yung pinaglalaban mo. Pero dapat sa taong worth it din ng mga bagay na ginagawa mo. Huwag mong hanapin ang taong mamahalin mo. Huwag mong unahan ang panahon dahil sa pagiging atat mong magkaroon ng in a relationship sa Facebook. Walang forever na status sa Facebook. Dahil tulad din ng Friendster, malalaos din yan. Hintayin mong ang panahon na mismo ang mangulit sayong maghanap kana ng irog mo. Hintayin mong kusa siyang dumating at kusa kang makaramdam ng saya na hindi mo pa nararamdaman noon. At sana kapag niligawan ka, patagalin mo naman ng kahit ilang buwan with matching pakipot. Hindi yung kinindatan ka lang, open arms and open legs kana kaagad.

Hintayin mo lang ang araw na kusang puso mo na ang nakakaramdam ng totoo. Saka mo malalaman ang totoong kahulugan ng salitang Forever. 

Pages