Salam, Dubai!

HOW'S DUBAI, MY FRIEND?


Kumusta nga ba ang Dubai? fun? more money? more savings? o more on homesick and frustrations? Parang yun na nga. (2) years na ko ngayon sa lugar na 'to. Nagpapaka alipin, at nagpapaka bayani para sating bansa. Joke lang. Marami narin akong na-experience na hindi ko pa naranasan nung nasa Pinas pa ko. Sa (4) apat na taon na naging trabaho ko sa Pinas, masasabi kong mas nabuild up ko ang sarili ko dito. Mas nabigyan ako ng pagkakataong magkaroon ng kaalaman para sa sarili kong isip at kakayahan. Marahil ito na siguro ang frustration at the same time growth para sakin. Marami din akong naranasan, nakahalubilong ibang klase ng pagmumukha ng tao. Dito ko naranasan kung paano sigawan, pagalitan, i-terminate sa trabaho at makipagtalo in ENGLISH. Diba? san ka pa? Ilang beses narin akong napagalitan ng amo ko dahil sa katangahan ko. Nawalan narin siya ng tiwala sa kaka-absent ko at dahil narin sa mga taong sumisira sa pangalan ko. Oo, marami yan dito. Iba't ibang lahi. Minsan ang masaklap, kabayan mo pa. Kanya kanyang pasipsip sa amo para kanya kanyang pataasan ng pangalan sa kumpanya. Ito yung bagay na hindi ko naranasan sa Pinas. Tipong ang saya doon, lagi kayong nagtatawanan, laging nagbibiruan kaya ang sarap sarap pumasok sa trabaho. Siguro dahil narin sa ganitong klase ng tao, nawalan ako ng gana. Ang hirap itulak ng sarili tuwing umaga para pumasok. Parang pumapasok nalang ako para pagalitan ng amo ko. Parang pumapasok nalang ako para pakyuhan ng katrabaho ko. Minsan gusto ko na lang sumuko at umuwi, tumakbo kay mama at ilabas ng hirap na nararamdaman ko. Pero hindi ko ginawa. Tinanggap ko lahat ng putanginang insulto, mura at lahat ng pagbubunganga ng bawat taong nakakasama ko. Pinapatay ko nalang sila sa isip ko kahit alam kong malabo namang mangyari dahil lumipas nalang ang ilang taon, humihinga parin ang mga kupal hanggang ngayon. Iniisip ko nalang siya as lesson para sakin at experience para mas humaba pa ang pasensya ko. Mas matangkad pa sakin dapat dahil gusto kong maging milyonaryo sa future. 

Dahil narin sa naging trabaho ko dito sa Dubai, marami din akong natutunan pagdating sa trabaho. Mas natutunan ko unang una ang mag ENGLISH kahit barok. Medyo nakakasanayan ko ng makipag away in english kahit na alam kong wala ng sense ang sinasabi ko. Naranasan ko ring maging Admin, Sales & Marketing, SEO at Website Developer sa iisang kumpanya kahit na alam kong hindi ko pinag-aralan ang mga 'to. Mas nadevelop ko ang sarili ko infairness. After work, nag babike ako. Bumili pa ko ng BMX siguro para narin ma divert ang homesickness at pagiging single sa pagpapadyak. Pumayat ako, hindi lang pumayat, SOBRANG pumayat. Syempre, pumogi. Nabibili ko narin ang gusto ko. Nakakatuwa lang yung may reward ako para sa sarili ko tuwing may sweldo. 

Hanggang sa naging daily routine ko nalang yung mga ginagawa ko. Yung itinerary kong BAHAY-TRABAHO-BAHAY araw araw, nakasanayan ko na. Nagiging buhay ko na. Wala na kong ibang ginawa kundi magtrabaho, bahay, bike at tulog na lang. Dumating din sa punto na pagbabike na lang ang nagpapasaya sakin kaya mas lalo akong pumayat. Dumating din sa point na nainlove ako, wag na nating imention kung sino. Pero nauwi lang din sa nafriendzone ako. Siguro wala parin sa plano ko ang maglovelife kaya nagfocus muna ko sa ibang bagay. Naging malungkot ako, mag-isa at sarili ko lang nagpapasaya sakin. May nakakalandian pero online lang. Lagi namang ganun. Iba parin yung nakakasama mo at bumubuo ng araw mo lalo na siguro pag tinamaan ka na ng libog. Joke lang! Ang importante, marunong na kong tumawid. Marunong na kong umorder sa McDo. Dun ako laging tumatambay kapag day off at kapag gusto kong lumabas. Lalo kong nasolo ang sarili ko. Pero alam mo 'yon, yung pagiging mag-isa, yung naiisip mong ikaw lang, mas lalong tumatatag ang kalooban mo. Mas naaappreciate mo ang totoong kahulugan ng kasiyahan. Mas nakikita mo ang importansya kapag may dumating na tao sa buhay mo at lalong lalo na, mas lalo mong minamahal ang sarili mo.




Pages