Ang Pintuan




Hindi naman nagtagal, mayroon ng kumatok sa pintuan na ito. Siyempre pa, pinagisipan ko muna kung papapasukin ko yung kumakatok. Baka naman kasi madumi yung sapatos niya, madumihan niya pa yung puso ko. O baka naman magnanakaw siya. Siyempre pinagisipan ko muna. Nung napagisipan ko na, at pinakita naman niya na mabuti siyang tao, pinapasok ko na siya. Pero sinigurado ko muna na nagpunas siya ng sapatos sa doormat. Ang saya niyang kasama sa loob. Nagkaroon ng kulay ang buhay ko dahil sa kanya. Pero di ko alam kung anong nagawa ko at bigla na lang siyang nagmadaling lumabas ng pintuan. Nakakasawa na daw sa loob sabi niya. Nasaktan man ako, hinayaan ko nalang siyang umalis. Pero nagalit ako, pag labas niya, sabi ko iwan niya lang na nakabukas ang pinto. Sigurado akong may iba pang papasok diyan.

Hindi ako nagkamali, ang daming pumasok sa loob. Yung iba, nagmadali ding lumabas. Yung iba, pinilit kong lumabas ng pintuan. Minsan pa nga, dalawa yung taong nasa loob eh. Alam mo yung parang naglalaro na lang ako. Ang ikinalulungkot ko lang, yung iba, napakadumi ng sapatos, hindi man lang nagpupunas sa doormat. Yung iba pa, binabagsak yung pagsara ng pintuan. Siyempre masakit, at nakakaasar pa dahil unti unting nasisira yung pintuan. Nakakatawa, naalala ko, kaya pala sila nakakalabas ng pintuan eh kasi hindi ko pala ito nilolock. Alam ko na ang gagawin ko sa susunod.

Mayroon na namang kumatok. Pinagisipan ko na naman kung papapasukin ko. Saglit ko lang pinagisipan, kasi baka umalis eh. Pinapasok ko na agad. Nilock ko yung pinto para sigurado. Ang masakit non, sinira niya yung pintuan para lang makalabas. Sira na yung pintuan ko. Nagsawa na ko.

Sa ngayon, naayos ko na yung pinakamamahal kong pintuan. Pero ngayon, sinigurado ko na na walang makakapasok. Nilock ko na yung pintuan ko. Wala na akong tiwala sa mga tao. Madaming nagtangkang pumasok. Napakaraming kumatok. Pero hindi ko sila pinapasok. Ayoko na. Natatakot na ko na baka sirain na naman nila yung pintuan. Natatakot na baka dumihan na naman nila yung loob. Kung kailan ko ito ulit bubuksan hindi ko alam. Basta ang alam ko, sa ngayon ayoko na muna. Ayoko na ma-inlove.



(c) Sa totoong gumawa ng blog na ito.

Pages