Ang tunay na #RelationshipGoals


Ang tunay na Relationship Goals ay hindi makapag travel sa mga lugar na gusto niyong puntahan, makakain sa isang sikat at mamahaling restaurant, makapag holding hands sa loob ng Mall sabay picture at post sa facebook sabay hashtag ng #RelationshipGoals. Hindi rin magyakapan sa harap ng maraming tao kasi proud at pinagmamalaki raw, makapag groupfie habang naghahalikan o makapag SOGO araw araw.

Hindi goals yan. Kalandian yan. Dahil lahat ng bagay na yan, pwede mong gawin sa isang araw lang. Kaya mong gawin kung kailan mo gusto, pwede pang ORA MISMO.

Dahil ang tunay na Goal sa isang Relationship

AY MAGTAGAL.

Pages