To whom it may concern.



Malaki ang pinagkaiba ng pag-aaral sa pag-tatrabaho. Ang pag-aaral, pumapasok ka para madisiplina at maturuan ng tamang paguugali. Ang trabaho, ikaw na mismo ang dumidisiplina para sa sarili mo para magtagal ka sa trabahong pinapasukan mo. Kaya ka nga nag-aaral eh, para makuha ang trabahong gusto mo pag nakatapos ka. Tapos ngayong may trabaho ka, sasayangin mo lang? Ikaw na nga ang biniyayaan ng magandang trabaho, magandang opportunity para sa sarili mo, sasayangin mo lang? Wag mong itulad sa HS o kolehiyo o ultimo elementarya o isali na natin ang kindergarten na pwede ka lang mag absent ng basta basta at papasok kung kailan mo trip. Ipapakita lang ang nakakaiyak mong excuse letter sa titser mo, sasabayan mo ng paiyak iyak sabay higop ng sipon, at pasok kana ulit.  

Ang trabaho ay hindi lang basta basta trabaho na pagkukukunan mo ng pera para mabili ang pinapangarap mong cellphone na may 8mp dahil sawa kana sa VGA mong front cam, pambili mo ng mga usong damit dahil gusto mong maging $w4gg3r o di kaya'y h!p$ter o em0pUnk!ztah b0sz maLd!tah saFpaT na, pangmiryenda sa starbucks na sobrang mahal dahil sa nakasulat mong pangalan sa gilid (mag 3 in 1 ka nalang dahil mahal ang pentelpen nila), pangkain sa iba’t ibang klase ng restaurant sabay selfie at post sa fb para remembrance, pangtustos sa buwan buwan mong pagbayad sa bumbay dahil sa inutang mong bahag at hindi lang pambili ng napkin o “panakip butas” in hugot term para sa walang katapusang dumudugo mong sugat. Kundi isang oportunidad para matutunan at malaman mo ang realidad. Realidad kung gaano kahirap ang buhay, rason kung bakit hindi ka mabilhan ng yoyo ng nanay mo noon dahil mahirap daw hanapin ang pera. Dun mo matututunan kung pano mag sakripisyo, maghirap, umiyak, magalit, mabadtrip, magwala, magtiwala, magtiis na kahit may sakit ka, papasok ka. Na kahit maluwa mo na ang baga mo dahil sa TB mo, masuka mo na ang regla mo dahil sa lakas nito, pipilitin mong pumasok dahil dun nakasalalay ang mga pangarap mo. Dun mo malalaman ang tunay na pagkamit ng pangarap kapag dumaan ka sa hirap. At wala ng mas sasaya pa dun kapag napromote ka, na kung dati sa 1st floor ka lang nag tatrabaho, tapos nag upgrade, sa 2nd floor naman, hanggang umabot ng rooftop ng building.
Hindi madaling maghanap ng trabaho. Maraming taong naghihirap sa buhay nila ngayon dahil wala silang trabaho at di sila nakatapos ng pag-aaral. Kaya wag mong sasayangin ang binigay sayo. Dahil hindi mo alam na maraming taong gustong makamit ang posisyong meron ka ngayon. Kaya sana matuto kana.

Pages