Ang aking talambuhay


Pinanganak ako ng nanay ko sa edad na 19. Siguro ay malakas talaga ang tama niya sa karismang taglay ng tatay ko kaya sinuko niya agad ang Bataan. At dahil uso pa ang pagpapakasal noon ay nagpakasal sila habang pinagbubuntis ako. Napakadakila ng Diyos at biniyayaan sila ng isang napakabait, masunurin, matulungin at CUTE na anak na nagngangalang Marichar Montilde.


Oo, ako nga si Marichar. Mari na nagmula sa pangalan ng nanay kong si Marilyn at Char na nagmula sa pangalan ng tatay kong si Carlito. Hindi ko nga lang alam kung bakit may sumingit pang letrang H, siguro ay walang trip ang tatay ko at gusto niyang pahabain ang pangalan ko. 

Lumabas ako sa ilong, I mean, sa sinapupunan ni mama noong May 26, 1995 na siya ring araw ng pagkamatay ni Mordechai Surkis, isang politician. Ka-birthday ko din ang mga celebrities na sina Jay Silverheels, James Arness, Philip Michael Thomas, Genie Francis, Lenny Kravits, Prince Frederik of Denmak, Carl Verheijen, Misako Ito, Elke Vanelderen at Fabiana Semprebom. Ang dami nila no? Pero ni isa sa kanila, wala akong kilala. Ang totoo niyan ay sinearch ko lang talaga sa Google ang May 26, kaya nagsilabasan sila. 


Ang sabi sa akin ng nanay ko, sobrang liit ko nung nilabas niya ko. Kasing liit ko lamang ang sakto na coke kaya takot na takot siyang paliguan ako at baka di ako makahinga. Kaya imbis na siya ang magpaligo sakin, yung ninang ko na lamang ang gumagawa nun para sa kanya. Hindi ko rin hilig ang kumain noon kaya sobrang payat ko at malnourished. 


Nung nag 3 years old na ko, nagsimula na kong mag-aral. Kaklase ko ang mga nakakatanda kong pinsan at maging kapitbahay namin. Doon ko natutunan sabihin ang pangalan ko, imemorize ang Lupang Hinirang, Panunumpa sa watawat at lahat ng pinapasaulo ng aming guro. At sobrang abot likod ang ngiti ko kapag ako ang nagtataas ng flag kapag nag fa-flag ceremony kami sa loob ng classroom. Siguro ay naa-amaze lang ako sa pagtaas ng flag habang hinihila ko ang lubid. Alam naman natin kung gaano ka babaw ang kaligayahan ng isang bata. 


Pagkatapos ng taon ding yun, nagsituloy na sa Elementarya ang mga kaklase ko at mga pinsan habang  ako naman ay sa Kindergarten. Pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko bilang isang Registered Nurse-ry student sa Light and Life Learning Center. Sadyang inadjust lang ni mama at tinama ang edad ko sa pinagaaralan ko. Saan ka nga ba makakakita ng 4 years old na nasa Grade 1 na? Noong nag kinder ako, masasabi kong sobra akong active mapa academics at extracurricular activities. Ako pa ang dakilang songer ng school kahit hindi naman talaga kaganda ganda ang boses ko. Suportado ako palagi ni mama at daddy sa lahat ng ginagawa ko. Sobra ring active ni mama kapag may mga activities na kailangan sila. Kaya mas naging masaya akong mag-aral. At dahil sa idol naming dalawa ni mama si Jolina Magdangal, mga kanta niya palagi ang pinipili kong kantahin kapag may program. Mahiyain man ako noon pero nakakaya din naman at natatapos ang kanta, yun nga lang, habang nakatakip ang mukha. Naalala ko yung kinanta ko ang "Laging Tapat" sa maraming tao at dahil sa sobra akong nahihiya at hindi ako ready, tinakpan ko ang buong mukha ko hanggang sa natapos ang kanta. Kahit papano at sa awa ng Diyos ay pinalakpakan naman ako ng mga tao. Kung academics din naman ang pag-uusapan, hindi rin ako nagpapahuli. Sobrang sipag kong mag-aral noon, siguro dahil narin sa tinuturuan ako ni mama habang may hawak na sinturon o stick. Bawat sulok ng bahay may chart ng alphabet, numbers mula 1 to 100 at chalkboard na pwede kong pag practisan magsulat. Tinuturuan niya ko kung pano isulat ang mga letra at numero. Maging magbasa at magsulat. Kaya wala ring taon na hindi ako nagiging honor student. Walang pagkakataong hindi nakaka akyat ng stage ang mga magulang ko. 



Sa kabila naman ng pagiging active ko sa paaralan, ako naman ang isa sa mga pasaway sa classroom. Isa ako sa mga hyper na studyante na bigla nalang tatakbo sa labas sa kalagitnaan ng klase. Ako yung tipong biglang tatakbo sa labas habang nag eexam kaya palaging hinahabol ng teacher sabay kurot o anumang saway ang gawin para tumigil. 





Pages