JIB WAVE 99 COMMENCEMENT DAY



Eto na yung pinakahinihintay namin! Ang pinakahinihintay ko! Finally, natapos na rin ang five weeks na trip trip namin sa loob ng classroom. Sa araw araw na lokohan, araw araw na kantyawan, araw araw na sermon at araw araw na kaalaman. Sa limang linggong yun, marami akong natutunan. Marami akong nalaman, marami akong natuklasan sa sarili kong hindi ko alam na meron pala ako. Sa simpleng pag-gawa ng Autobiography, My Bestfriend, My first love at pag gawa ng joke in English, nakakuha ako ng isang kalahating confidence mula sa sarili ko. Natutunan kong magsalita sa harap ng maraming tao, natutunan kong umiyak habang binabasa ang storya ng buhay ko, natutunan kong mag English at sanayin ang sarili ko sa linggwaheng yun. Natutunan kong tanggapin ang mga mali ko, ang sarili ko at ang mga nagawa ko sa past ko. Pinaka importante dun, natutunan kong sumagot sa isang interview para matanggap sa trabaho. Dito ko natutunan kung pano simulan ang isang Career. Kung paano magtagal at magtiis sa isang trabahong di mo alam kung hanggang saan ka lang. Dito ko natutunan ang mag set ng goal para sa sarili ko at sa future ko. Dito ko rin nagawang ipa proud ang nanay ko. Lalong lalo na nung nakuha ko ang medalya bilang isang first honor. Ang sarap sa pakiramdam mangita ang nanay mong proud na proud sayo at sa narating mo kahit na alam mong simula palang yun. Di ko akalaing makukuha ko ang medalyang yun kahit Nograles ang nakalagay sa likod, pinagmamalaki ko parin yun dahil maraming may gustong makuha at maabot yun pero ako pa ang nakakuha. Doon ko lang narealize na kahit papaano ay deserving din pala ako. Alam ko yun palang ang simula ng buhay ko, yun palang ang daan ko para makapasok sa isang propesyong tinatawag nilang Call Center Agent.

Pages