Para kay Mama.


Hi mama. 

Marami akong gustong sabihin sayo, pero hindi ko magawa. Natatakot kasi ako. Wala akong lakas ng loob. Ni hindi ako makapag Thank You sa mga nagawa mo para sa akin. Alam ko hindi pa sapat yung simpleng thank you para sa mga ginawa mo sakin. Sorry sa mga nagawa ko. Sorry kung na disappoint na naman kita. Sobrang hindi ko na alam kung anong gagawin ko para lang mapatunayan ko ang sarili ko sayo. Gusto kitang maging proud sa akin pero hindi ko alam kung paano. Lahat na yata ng pagpapakahirap, nagawa mo na para sa akin. Pero hindi ko nasuklian yun. Mas lalo pa kitang napalungkot sa mga bagay na nagagawa ko. Mas lalo kong pinapatunayang wala nga akong kwenta.  Na wala akong alam. Na hindi ako makakatulong, na wala akong future. Lahat ng mali ko narerealize ko pero wala parin akong magawa. Sobrang sakit pag nakikita kitang nadidisappoint dahil sakin. Ni hindi ko magawa yung pinapangarap mo para sa akin. Wala na akong magawang tama. Lahat ng moves ko puro mali. Puro palpak. Kaya napapamukha sa akin na wala talaga akong kwenta. Dahil dun mas lalo akong nawawalan ng pagasa. Mas lalo akong nanghihina. Mas lalo akong nawawalan ng alam. Gaya ng palagi nilang sinasabi, kahit pagtawid man lang hindi ko magawa. Walang alam sa gawaing bahay. Kain, tulog at laro lang ang alam. Di man lang nakakatulong. Kaya nga binabawi ko nalang yun sa mga bagay na ayaw mo eh. Lahat ng pinagbabawal mo, iniiwasan ko. Lahat ng gusto mong gawin ko, ginagawa ko. Para kahit sa konting bagay na yun makabawi naman ako sayo. 

SORRY MA. SORRY SA MGA NAGAWA KO. Sorry kung hindi ko maparamdam sayo kung gaano ka ka-importante sa akin. Mahal na mahal kita mama. Kahit hindi mo ramdam. Sobrang thankful ako kasi ikaw ang nanay ko. Ramdam ko yung sakit, ikaw kasi ang weakness ko. Kaya kung ano man ang maramdaman mo, nararamdaman ko rin. Mas nakakalungkot lang isipin kapag ako yung dahilan ng kalungkutan mo. Sorry.. nagkakamali lang ako. Masyado akong natatakot sa future. Masyado akong nagiisip. Ako lang ang gumagawa ng rason para maging miserable ang buhay ko. SORRY. SORRY. Ayaw ko na.. ayaw ko ng magtype. Ito na lang siguro muna. Alam ko rin namang hindi mo ito mababasa at tsaka hindi ko rin naman to ipapabasa. Nakakahiya.

Pages